PREMIUM · MOVIE

Miss Q&A

To start the month of October, nagpasiklab sa "It's Showtime" stage ang six-member Japanese dance and vocal boy band na Be:First. Sa unang araw ng Oktubre, entertainment ay libre at sagot 'yan ng mga beki na palaban sa "Miss Q and A." Walang aatrasan sa talakan sina Jouji Medina, Jane Estolora, at Ayesa Pido Quilang. Biro ni Vice Ganda, sakto sa BER months, 'Santa Claus 'scamming' to town' daw ang bagay na kanta para kay Jouji at sa jowa nito dahil parang hindi tugma ang mga kuwento. Si Jane naman, very Barbie ang awrahan kaya pinarampa ni Meme sa harapan. Action star na nag-transition naman ang dating ni Ayesa sa paningin ni Vice Ganda, at ang boses daw nito para bang tunog tsismosa. Araw ito nina Ayesa at Jouji dahil sila ang umabante sa Wit Lang. Nag-loading man nang bahagya, naitawid pa rin ni Jane ang talak sa tanong na, "Saan dadaan si Santa Claus kung wala namang chimineya sa bahay n'yo?" Hindi naman sa nagmamaasim pero palaban ang chukchak ni Jouji sa tanong na, "Ikagagalit ba ng sinigang na mas maasim ka sa kan'ya?" Ang totoong naasiman, si hurado Brent Manalo, dahil sa joke ng kaibigan niyang escort, Ralph de Leon. Pinakitaan pa niya si Ralph kung paano bumitaw ng pangmalakasang joke. Naging escort of the day rin si Darren Espanto, and true to his branding, ang mga jokes ni Darren idinaan sa singing. Sa tiangge, dapat marunong tumawad. Dapat din naka-smile lang ang nagbebenta par ng swerte ay pumasok na. Kaya sa Laro Laro Pick, sold out ang good vibes at may sukli pang jackpot para sa mga players na tindera. Nakakuwentuhan ng hosts si Alona, na halatang-halata ang saya nang makita nang personal si Vice Ganda. Pero maya-maya, si Meme Vice kinabahan. 'Yung tingin daw kasi ni Alona, parang may bulong. No return, no exchange, sabi nila. Pero si palyer Maye, naka-return sa game arena matapos mabunot ang pangalan niya. Naniniwala siyang kalooban ng Panginoon ang paglalaro niya sa jackpot round kung saan umabot na sa P400,000 ang POT money. Nag-goodbye si Maye sa P40,000 Li-Pot offer at sinugalan ang katanungan na may kinalaman sa 13th month pay ng isang private employee. Higit pa nga sa 13th month pay ang biyayang dumating kay Maye dahil nasungkit nito ang POT question! #ShowtimeOctoberNa #ItsShowtimeFullEpisode #ABSCBNEntertainment

MORE LIKE THIS

More like this

View all →